"Bwahahaha!! Mag away-away kayo jan! Wala akong pake kung sino ang nag-imbento ng unang gulong! Sumerians man o unggoy, I don't care!!! Sige! Gawa lang ng gawa!!!! Sa wakas, dadami ang mga bilog sa mundo. Having corners is like sooo square!! Mabuhay ang mga bilog!!!" sabi ni bilog. "
"Op op op! Teka! Hindi kami makapapayag!!" sabi ng isang grupo ng mga praning. "Hindi porque mahusay kang gumuhit at makulay yang librong ginawa mo eh ibig sabihin tama na ang mga pinagsasabi mo!! Pwede ba! Huwag mong ngang bilugin ang mga ulo namin! Excuse me, hindi kami tanga no!" sabi ng isang grupo ng mga praning tinutukoy ang may akda ng aklat kung saan sinabi na ang sumerians ang nakagawa nga ng unang gulong. (hinga)
"Ayon sa aming pananaliksik at pag-aaral namin sa mga labi, ang mga taong nakagawa ng unang gulong ay malamang nakatira sa Asya. At nagawa nila ito 2500 na taon bago nakagawa ng gulong ang mga Sumerians."
Maaaring dito daw nagawa ang unang gulong. Pero hindi din daw sila sigurado kung saan eksakto.
"Hahaha!!! Mga gunggong!!! Pagawa gawa pa kayo ng aklat jan, mali naman pala!!! Bwahahahaha!!! Palibhasa masyado kayong naniniwala sa mga sabi-sabi eh! Ano nang sasabihin ninyo sa mga bumili ng aklat niyo? Sorry mali kami? Bwahahaha!!! Mag-away
away pa kayo jan!!!" sabi nitong si mayabang na bilog.
"Ah ganon ba? Oh well! Mali pala yung libro!" sabi ng mga ibang tao; at deadma lang silang nagpatuloy sa mga kanya kanya nilang buhay: araw-araw patuloy pa ding gumagawa ng mga kanya kanya nilang gulong. Araw-araw patuloy pa ding gumagawa ng mga iba pang bagay na bilog at mga sari-saring shit.
(tatalakayin ang paggawa ng tao ng sari-saring shit sa ibang araw)

"Hahahaha!!! Sige gawa lang kayo ng gawa ng bilog!!! Padamihin lang ang bilog sa mundo. Gulong lang ng gulong!!! bwahahaha!!!! We shall rule the world!!! Ang bilog ang pinakamagaling sa lahat!" ika nitong si bilog na halos sasabog na sa kayabangan.
"Op! Op! Op! Teka!!! Kung magaling kayong mga bilog, eh ano naman ang tawag sa amin?!?" ika ng isang kampanteng hugis na papalapit kay bilog.
"Kaya mo ngang gumulong ng pataas/pababa, pakaliwa/pakanan at palihis....Pero kaya mo bang umikot?!? Kaya mo bang gumulong papaharap/papalikod at kung saan saan pa?!!? Bwahahaha!!!! Kala mo ha!!! O ano ka ngayon!! Eh di tanggal ang kayabanagan mo!! Ngayon ka lang ba nakarinig ng 3D?!!? Bwahahaha" sabi ni Britney Sphere.
Biglang nanliit itong si bilog. Hindi pala siya ang pinakamagaling na hugis....
At dahan dahang gumuho ang kanyang pagkatao. Nasira ang lahat ng kanyang pinaniniwalaan. Gumunaw ang mundo niya sa harapan niya.....

Nakaramdam siya ng takot.
At biglang pumasok ang poot.
Nag-uumapaw na galit sa kanyang sarili.
Galit sa lahat at sa kanyang sarili....Galit sa sarili niyang kayabangan...Galit sa mga ibang hugis......
At pagkatapos ng ilang araw, biglang pumasok muli ang kalungkutan......
Ang matinding kalungkutan.
Para bang nababasag ang kanyang dibdib. Para bang hindi siya makahinga.......
Nakaramdam si bilog ng pagsisisi. Pagsisi sa kanyang pagiging mataas, mayabang at mapanlait....
Ngunit....
Bigla siyang nakaalala.... Naalala niya ang kanyang mga dating kaibigan - ang mga ibang hugis na nakatambay sa kanto.
At muli siyang nakaramdam ng pag-asa. Pag-asang hindi naman talaga nawala. Pag-asang nanatili lamang pala sa kanyang puso. Pag-asang nagmula sa kanyang mga kaibigang ibang hugis. Pag-asang nagbigay liwanag sa kasalukuyan niyang nararamdaman na kadiliman. Hindi pala siya nag-iisa......
Napaiyak si bilog. "Papatawarin pa kaya ako ng aking mga kaibigan?" ika ni bilog sa kanyang sarili....Bigla siyang may narinig na pamilyar na boses....
Nagaroon si Bilog ng ibang klaseng pakiramdam. Nakaramdam siya ng lubos-lubos na kagalakan. Niyakap niyang isa isa ang kanyang mga kaibigan. "Mapapatawad niyo ba ako?!" ika ni Bilog.
"Pare magkakaibigan tayo mula't mula. Alam mo namang hindi kumpleto ang tropa pag wala ka!" sagot ni Parisukat.
Magmula noon pinangako di bilog na hindi na siya magyayabang.
At dito nagtatapos ang "Kayabangan ng Bilog"
THE END

































