Monday, February 1, 2010

Ang Kayabangan ng Bilog Part 1

Noong unang panahon, nang maimbento ng tao ang konsepto ng 2-d, nagkaroon ng iba't ibang hugis...At ang mga hugis na ito ay masasayang mga hugis........ Tunay na magkakaibigan. Tambay at kwentuhan lang, masaya na sila. Hangga't isang araw, napaisip itong si bilog. "Teka bakit sila may mga sulok? ako wala? iba ba ako sa kanila?"
Nainsecure ng todo todo etong si bilog at nag-isip ng nag-isip..... Ilang araw ang lumipas at nanatili pa ding malungkot itong si bilog.... Sinubukan siyang pasayahin ng mga tropa niyang ibang hugis, ngunit hindi pa din maalis ang kanyang kalungkutan :-(

Hanggang dumating ang araw na naisip nitong si bilog na mayroon pala siyang kakayahang hindi tinataglay ng ibang hugis - ANG GUMULONG.



Naging mayabang ngayon etong si bilog. Mag-isang pagulong-gulong kung saan saan. Gulong pataas. Gulong pababa. At dahil sa kayabangan ni bilog, napansin siya ng mga tao. May isang nagsabi: "O nga no!!Pwedeng gumulong ang bilog!! Makagawa nga ng gulong!" "At dito naimbento ang UNANG GULONG.
Hindi ito ang tunay na unang gulong. Malamang!! Parang ganito lang siguro ang itsura. Pero pwede din namang hindi. Basta


Natuwa ang mga tao..Dahil ngayon hindi na sila mukhang gagong nagbubuhat ng mga mabibigat na bagay kung saan saan. "Eh! Pwede naman palang pagulungin." sabi nila. Sobrang nagalak ang lahat at nagsigawaan sila ng mga kanya kanyan nilang gulong. Hanggang umabot sa inggitan at kayabangan. Kontrahan dito. Kontrahan doon. "Eh sino ba ang gumawa ng unang gulong?" tanong ng isa.


"SILA!" sabi ng isang praning na gumawa ng isang makulay na aklat.
SUMERIANS - Ayon sa gumawa ng aklat na ito, sila ang mga praning na nakagawa ng unang gulong at iba pang ancient shit.



At nagkaroon ng mga maraming aklat, sulatin at mga iba pang kagaguhan na nagsasabing ang mga balbon na to nga ang gumawa ng unang gulong. At dahil dito, naniwala ang mga tao.


Meanwhile, etong si bilog, lalong yumabang. Lalong naging mataas. Bilog na nga sya binibilog pa niya lalo ang sarili niyang ulo.



TO BE CONTINUED

No comments:

Post a Comment

Mga Kapwa Praning